Miyerkules, Enero 2, 2013

MGA PAGDIRIWANG SA LUCENA


                                           

CHAMI FESTIVAL
                                        Ang CHAMI FESTIVAL ay isa sa pinakasikat na pagdiriwang sa bayan Lucena ito ay nagsimula noong Mayo 25,2004. Maraming tao ang sumalo sa labanan na CHAMI FEST ito ay ang pagluluto ng chami na kung saan ang mga kalahok ay nakapila sa Quezon avenue kung sinoman ang manalo o ang mapili ng may pinakamasarap na chami ay siya ang makakatanggap ng premyo. Hanggang sa ngayon ay ipinagdiriwang pa din ito. Isa rin itong sanhi kung bakit nakilala o naging sikat ang bayan ng lucena.

PASAYAHAN SA LUCENA
                                        Ang PASAYAHAN SA LUCENA ang isa sa pinakasikat na pagdiriwang na ginaganap dito sa bayan ng lucena. Ito ay nagpapakita ng pagiging maingat natin sa ating kalikasan at sa ating paligid.Ito ay nagsimula noong Mayo 28,1987. Mayrooong mga tindahan o tinatawag na tiangge at tuwing sasapit na ang huling araw ng Pasayahan dito nagaganap ang parada na magsisimula sa Pacific mall at magtatapos sa SM City Lucena  kung saan ang pumaparada ay ang mga nanalo sa chami festival, nanalo na G. at Bb. Pasayahan, mga artista at iba pa. Pagkatapos ng parada ay may ginaganap na Show ng mga artista  sa SM City Lucena at dito din sinasabi ang mga nanalo sa floats at mga street dance at kung sinoman ang manalo ay may kapalit na premyo. Hanggang sa ngayon ay ipinagdiriwang pa din ito. Ang Pasayahan Sa Lucena ay sumisimbolo ng tunay na kultura ng lugsod na ito.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento